Pumunta sa nilalaman

Isang brother sa Italy na nagba-Bible study

MARSO 26, 2020
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Iba’t Ibang Paraan ng Pangangaral sa Panahon ng Epidemya

Iba’t Ibang Paraan ng Pangangaral sa Panahon ng Epidemya

Naapektuhan ng pagkalat ng novel coronavirus (COVID-19) ang milyon-milyong Saksi ni Jehova. Sinisikap nilang sumunod sa mga awtoridad habang ipinagpapatuloy pa rin ang kanilang espirituwal na gawain. Sa mga lugar na maraming kaso ng sakit na ito, gumagamit ang mga kapatid ng iba’t ibang paraan ng pangangaral para maipagpatuloy ang kanilang ministeryo.

Sinabi ng isang brother sa Pisa, Italy: “Maganda ang kinalabasan ng ministeryo namin! Dahil marami ang nasa bahay, tiningnan namin ng asawa ko ang contact list sa cellphone namin at nakipag-videoconference kami sa kanila. Ang dami naming Bible study at RV, mga bago o dati na naming nakausap. Marami kaming nakakausap at maraming oras kaming nakakapaglingkod.”

Sa South Korea naman, mas nagagamit na ng mga mamamahayag ang mga feature sa jw.org at sa JW Library app. Halimbawa, isang brother ang nakatanggap ng text galing sa dati niyang Bible study na tatlong taon nang huminto. Sinabi nito na dahil sa nangyayaring krisis ngayon, napaisip siya tungkol sa tanda ng mga huling araw. Ginamit ng brother ang feature na “I-share ang Link” sa JW Library app para magpadala ng impormasyon gamit ang text sa dati niyang Bible study. Sinabi ng brother na “nakakapagpatibay malaman na nagigising sa espirituwal ang maraming tao dahil nakikita nila ang tanda ng mga huling araw.”

Ipinapakita ng mga report mula sa iba’t ibang sangay sa mundo na pinapahalagahan ng mga kapatid ang kanilang ministeryo. Talagang gumagamit ang mga kapatid ng “praktikal na karunungan” para patuloy na maipangaral ang mabuting balita.​—Mikas 6:9.

 

Isang tagapangasiwa ng sirkito na nangunguna sa pagtitipon para sa paglilingkod sa larangan sa Puerto Rico

Mga payunir sa Germany na magkakasamang nagle-letter writing habang naka-videoconference

Isang pag-aaral sa Bibliya sa South Korea

Isang mag-asawa sa France na nagte-telephone witnessing

Isang mag-ina na nagle-letter writing sa Hawaii