SETYEMBRE 20, 2021
MEXICO
Niyanig ng Lindol at Binaha ang Mexico
Noong Setyembre 6, 2021, binaha ang ilang lugar sa central Mexico dahil sa malakas na buhos ng ulan. Kinabukasan, niyanig ng 7.1 magnitude na lindol ang timog na estado ng Guerrero at naapektuhan ang iba pang estado sa central Mexico.
Epekto sa mga Kapatid
Baha
61 kapatid ang lumikas
2 Kingdom Hall ang bahagyang nasira
68 bahay ang bahagyang nasira
Lindol
71 kapatid ang lumikas
12 kapatid ang nasugatan
42 Kingdom Hall ang bahagyang nasira
220 bahay ang bahagyang nasira
76 na bahay ang nasira
7 bahay ang nagiba
Relief Work
Baha
Ang mga kapatid na lumikas ay pinatuloy ng kanilang mga kamag-anak
Namahagi ng pagkain sa mga naapektuhan ng sakuna ang lokal na mga kongregasyon
Lindol
Ang mga kapatid na lumikas ay pinatuloy ng kanilang mga kamag-anak o kapuwa Saksi
Ginamot ang mga kapatid na nasugatan at pagaling na ang mga ito
Marami sa ating mga kapatid ang may mga “go bag” nang mangyari ang mga sakunang ito at agad na sumunod sa tagubilin ng mga awtoridad doon. Minomonitor ng mga tagapangasiwa ng sirkito at ng Disaster Relief Committee ang sitwasyon at pinapatibay ang mga kapatid, habang sinusunod ang lahat ng safety protocol para sa COVID-19.
Ang mga kapatid ay patuloy na lubusang nagtitiwala kay Jehova at sa kaniyang organisasyon sa mahihirap ng panahong ito. Alam natin na patuloy silang iingatan at pangangalagaan ni Jehova.—Isaias 26:3.