Pumunta sa nilalaman

Binahang Kingdom Hall (kaliwa) at ang bahay ng isa sa mga kapatid natin (kanan)

HUNYO 10, 2019
PARAGUAY

Nalubog sa Baha ang Paraguay

Nalubog sa Baha ang Paraguay

Mula noong Abril 2019, ang Paraguay ay inulan nang malakas na nagdulot ng pagbaha at pagtaas ng tubig sa Paraguay River. Di-bababa sa anim na tao ang namatay dahil sa pagbaha.

Iniulat ng sangay sa Paraguay na 137 kapatid natin sa iba’t ibang lunsod ang naapektuhan ng sakuna. Sa kabiserang lunsod na Asunción, winasak ng baha ang pader ng isang Kingdom Hall na ginagamit para sa School for Kingdom Evangelizers. Mabuti na lang at walang nasaktan.

Nakapagpadala na ang sangay ng tulong gaya ng pagkain, tubig, at iba pang pangangailangan sa mga kapatid nating nasalanta. Dahil hindi pa lubusang bumababa ang baha, binabantayan pa rin ng sangay ang sitwasyon at patuloy na nagbibigay ng materyal at espirituwal na tulong.

Ipinapanalangin natin ang mga kapatid nating naapektuhan ng baha sa Paraguay. Alam natin na si Jehova ang kanilang “tanggulan” sa mahirap na panahong ito.—Awit 31:2.