Ano ang Puwede Kong Isuot?
KABANATA 11
Ano ang Puwede Kong Isuot?
Palabas na ng pinto si Heather. Gulát na gulát ang mga magulang niya nang makita siya.
“Iyan ang suot mo?” ang tanong ng tatay niya.
“Ano po’ng masama dito?” ang sagot ni Heather. “Mamamasyal lang naman po kami ng mga kaibigan ko sa mall.”
“Pero huwag iyan ang isuot mo!” ang sabi ng nanay niya.
“Ma, lahat ng kaedad ko, ganito ang suot,” ang reklamo ni Heather. “Tsaka may datíng ’di ba?”
“May datíng? Hindi namin gusto ang datíng ng suot mo!” ang sagot ng tatay niya. “Balik sa kuwarto! ’Pag hindi ka nagpalit, hindi ka makakaalis!”
HINDI na bago ang ganiyang eksena. Baka dumaan din diyan ang mga magulang mo. At malamang na ganiyan din ang reaksiyon nila noon! Pero ngayon, kayo naman ang di-magkasundo.
Sabi mo: Komportable ako dito.
Sabi nila: Masagwa.
Sabi mo: Ang ganda kaya!
Sabi nila: Ang halay tingnan!
Sabi mo: 50% off ’to.
Sabi nila: Dapat lang, kakapiraso ang suot mo eh!
Maiiwasan ba ang ganiyang eksena? Oo naman! Alam ni Megan, 23, ang sekreto. “Hindi n’yo naman kailangang magtalo,” ang sabi niya. “Puwede kayong magkasundo.” Magkasundo? Ibig bang sabihin magsusuot ka ng pangmatanda? Hindi naman. Kailangan n’yo lang pag-usapan ng mga magulang mo ang iba pang opsyon na parehong okey sa inyo. Ang pakinabang?
1. Magugustuhan ng iba ang hitsura mo, kahit ng mga kaibigan mo.
2. Malamang na hindi na gaanong punahin ng mga magulang mo ang iyong suot.
3. Kapag nakita ng mga magulang mo na responsable ka na sa bagay na ito, baka bigyan ka nila ng higit pang kalayaan.
Sige umpisahan na natin. Mag-isip ng damit na nakita mo sa Internet o sa mall na gustung-gusto mong bilhin. Pagkatapos . . .
Isaalang-alang ang mga Simulain ng Bibliya
Kaunti lang ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pananamit.
Sa katunayan, mababasa mo ang lahat ng payo ng Bibliya tungkol sa paksang ito sa loob lang ng ilang minuto. Pero kahit kaunti lang ang mga ito, napakapraktikal naman. Halimbawa:● Pinapayuhan ng Bibliya ang mga babae na manamit nang “may kahinhinan at katinuan ng pag-iisip.” a—1 Timoteo 2:9, 10.
Baka mapataas ang kilay mo sa salitang “kahinhinan.” ‘Ibig bang sabihin, dapat balót na balót ako?’ baka itanong mo. Hindi naman! Ang kahinhinan dito ay nangangahulugang masasalamin sa pananamit mo na may paggalang ka sa sarili at konsiderasyon sa iba. (2 Corinto 6:3) Maraming style ng damit na maituturing na mahinhin. Sinabi ni Danielle, 23, “May mga damit na sunod sa uso pero disente naman.”
● Pagdating sa hitsura, sinasabi ng Bibliya na dapat magtuon ng pansin sa “lihim na pagkatao ng puso.”—1 Pedro 3:4.
Oo, puwedeng makatawag-pansin ang mapang-akit mong damit. Pero ang magandang kalooban ang talagang hinahangaan ng mga nakatatanda sa iyo at ng mga kaedad mo. Mga
kaedad mo? Oo—baka sila rin ay hindi sang-ayon sa pananamit na takaw-pansin. “Hindi ko ma-take ’yung mga babaing nagdadamit nang napakaseksi mapansin lang ng mga lalaki!” ang sabi ni Brittany, 16. Sang-ayon din si Kay. Ganito ang sabi niya tungkol sa dati niyang kaibigan, “Gustung-gusto niyang magpapansin sa mga lalaki kaya ang mga isinusuot niya, yung mga agaw-atensiyon.”Tanungin ang mga Magulang Mo
Hindi tamang magbaon ng seksing damit at isuot ito pagdating sa eskuwela. Mas magtitiwala sa iyo ang mga magulang mo kung tapat ka sa kanila, kahit na sa mga bagay na sa tingin mo ay maitatago mo sa kanila. Sa katunayan, makabubuting hingin ang opinyon nila kapag Kawikaan 15:22)—Gamitin ang “Worksheet” sa pahina 82 at 83.
pumipili ka ng isusuot. (Pero bakit mo pa hihingin ang opinyon nila kung sa tingin mo’y lagi naman nilang kinokontra ang suot mo? Totoo, maaaring magkaiba kayo ng opinyon ng mga magulang mo. Pero kung minsan, iyan ang kailangan mo. “Gusto ko kapag sinasabihan ako ng mga magulang ko,” ang sabi ng 17-anyos na si Nataleine, “ayoko kasing lumabas ng bahay na nakakahiya ang suot ko o kaya’y mapintasan ako ng iba.”
Bukod diyan, tandaang nasa poder ka pa ng mga Colosas 3:20) Pero oras na maintindihan mo sila—at maintindihan ka nila—magkakasundo kayo. Baka nga hindi na kayo magtalo pagdating sa pananamit!
magulang mo kaya dapat mo silang sundin. (Tip: Kapag nagsusukát ng damit, huwag lang basta humarap sa salamin. Subukang maupo o yumuko na kunwari’y may pupulutin, at tingnan kung mahinhin pa rin ito. Hangga’t maaari, hingin ang opinyon ng magulang mo o ng isang matured na kaibigan.
Puro kapintasan ba ang nakikita mo sa sarili mo? Ano ang puwede mong gawin?
[Talababa]
a Bagaman patungkol sa mga babae ang payong ito ng Bibliya, angkop din ito sa mga lalaki.
TEMANG TEKSTO
“Ang inyong kagayakan ay huwag yaong . . . pagbibihis ng mga panlabas na kasuutan, kundi ang lihim na pagkatao ng puso.”—1 Pedro 3:3, 4.
TIP
Iwasan ang mga damit na tipong nang-aakit dahil magmumukha kang kulang sa pansin o hangang-hanga sa sarili.
ALAM MO BA . . . ?
Kadalasan na, ang unang tinitingnan ng mga tao sa iyo ay kung ano ang suot mo.
ANG PLANO KONG GAWIN!
Ang kapamilya o kaibigan na tatanungin ko tungkol sa damit na gusto kong bilhin ay si ․․․․․
Sa susunod na bumili ako ng damit, ang mga bagay na pag-iisipan ko ay ․․․․․
Ang mga gusto kong itanong sa (mga) magulang ko hinggil sa bagay na ito ay ․․․․․
ANO SA PALAGAY MO?
● Bakit madalas na hindi magkasundo ang mga magulang at mga tin-edyer pagdating sa pananamit?
● Ano ang mapapasulong mo kapag ipinakipag-usap mo sa mga magulang mo ang tungkol sa pananamit?
[Blurb sa pahina 81]
“Kapag may nakikita akong babae na malaswang manamit, bumababa ang tingin ko sa kaniya. Pero kapag mahinhin at magandang manamit ang isa, naiisip ko, ‘Gusto ko, ganiyan din ako.’”—Nataleine
[Kahon/Mga larawan sa pahina 82, 83]
Worksheet
Worksheet sa Pagpili ng Damit
Instruksiyon: Kopyahin ang mga pahinang ito. Hilingin sa iyong mga magulang na sagutan ang worksheet sa kanan. Sagutan mo naman ang sa kaliwa. Pagkatapos, magpalitan kayo ng worksheet, at pag-usapan ninyo ang inyong mga sagot. Nagulat ba kayo? Ano ang natuklasan ninyo?
Para sa Iyo Mag-isip ng damit na gusto mong isuot o bilhin.
Bakit gusto mo ang damit na ito? Lagyan ng numero ang sumusunod, depende kung alin ang mas mahalaga sa iyo.
․․․․․ Tatak
․․․․․ Appeal sa di-kasekso
․․․․․ Datíng sa mga kaibigan
․․․․․ Komportable
․․․․․ Presyo
․․․․․ Iba pa ․․․․․
Ano ang malamang na maging reaksiyon ng magulang ko?
□ “Hindi puwede!”
□ “Puwede na rin.”
□ “OK na OK.”
Kung hindi nila type ang damit na ito, bakit kaya?
□ “Mahalay.”
□ “Masagwa.”
□ “Masyadong sunod sa uso.”
□ “Kami ang mapipintasan.”
□ “Ang mahal.”
□ Iba pa ․․․․․
Mapagkakasunduan
Kaya Namin Ito?Bakit mahalagang malaman ko ang opinyon ng mga magulang ko?
․․․․․
Mareremedyuhan pa kaya ang damit na ito para maging disente?
․․․․․
Para sa Iyong mga Magulang Mag-isip ng damit na gustong isuot o bilhin ng anak mong tin-edyer.
Bakit kaya gusto ng anak mo ang damit na ito? Lagyan ng numero ang sumusunod, depende kung alin ang sa tingin mo’y mas mahalaga sa kaniya.
․․․․․ Tatak
․․․․․ Appeal sa di-kasekso
․․․․․ Datíng sa mga kaibigan
․․․․․ Komportable
․․․․․ Presyo
․․․․․ Iba pa ․․․․․
Ano ang reaksiyon ko?
□ “Hindi puwede!”
□ “Puwede na rin.”
□ “OK na OK.”
Kung hindi ko type ang damit na ito, bakit?
□ “Malaswa.”
□ “Masagwa.”
□ “Masyadong sunod sa uso.”
□ “Kami ang mapipintasan.”
□ “Ang mahal.”
□ Iba pa ․․․․․
Mapagkakasunduan Kaya Namin Ito?
Hindi ko ba type ang damit na ito dahil lang hindi ito pasado sa taste ko?
□ Oo □ Malamang □ Hindi
Mareremedyuhan pa kaya ang damit na ito para maging disente?
․․․․․
Ang Pasiya ․․․․․
[Kahon sa pahina 84]
Paano Naman sa mga Lalaki?
Ang mga simulain sa Bibliya na tinalakay sa kabanatang ito ay para din sa mga lalaki. Maging simple. Hayaang makilala ng iba ang pagkatao ng iyong puso. Kapag pumipili ng damit, tanungin ang sarili: ‘Ano kaya ang iisipin sa akin ng iba kapag isinuot ko ito? Iyon ba ang gusto kong maging impresyon sa akin?’ Tandaan, ang pananamit ay isang paraan ng pagpapakilala sa sarili. Tiyaking makikita sa pananamit mo kung ano ang mga prinsipyo mo!
[Larawan sa pahina 80]
Ang pananamit mo ay parang karatula na nagpapakilala sa mga tao kung sino ka. Ano ang nababasa ng mga tao sa “karatula” mo?