Mga Awit 149:1-9
149 Purihin si Jah!*
Umawit kayo kay Jehova ng isang bagong awit;+Purihin ninyo siya sa kongregasyon ng mga tapat.+
2 Magsaya nawa ang Israel sa kaniyang Dakilang Maylikha;+Magalak nawa ang mga anak ng Sion sa kanilang Hari.
3 Purihin nawa nila ang kaniyang pangalan nang may sayawan+At umawit sila ng mga papuri* sa kaniya, sa saliw ng tamburin at alpa.+
4 Dahil nalulugod si Jehova sa bayan niya.+
Pinararangalan* niya ang maaamo sa pamamagitan ng pagliligtas sa kanila.+
5 Magsaya nawa ang mga tapat dahil sa kanilang kaluwalhatian;Humiyaw nawa sila nang may kagalakan sa kanilang mga higaan.+
6 Umawit nawa sila ng papuri sa Diyos,At humawak nawa sila ng espadang magkabila ang talim,
7 Para maglapat ng paghihiganti sa mga bansaAt ng parusa sa mga bayan,
8 Para ikadena ang kanilang mga hariAt gapusin ng bakal na tanikala ang mga prominente sa kanila,
9 Para ilapat ang hatol na isinulat laban sa kanila.+
Ang karangalang ito ay para sa lahat ng tapat sa kaniya.
Purihin si Jah!*
Talababa
^ O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
^ O “umawit sila at tumugtog para.”
^ Lit., “Pinagaganda.”
^ O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.