Mga Awit 56:1-13

Sa direktor; sa himig ng “Tahimik na Kalapati na Nasa Malayo.” Awit ni David. Miktam.* Nang mahuli siya ng mga Filisteo sa Gat.+ 56  Kaawaan mo ako, O Diyos, dahil sinasalakay* ako ng hamak na tao. Buong araw silang nakikipaglaban sa akin at inaapi nila ako.   Buong araw akong sinasalakay* ng mga kaaway ko;Maraming nakikipaglaban sa akin nang may kayabangan.   Kapag natatakot ako,+ sa iyo ako nagtitiwala.+   Sa Diyos—na ang salita ay pinupuri ko—Sa Diyos ako nagtitiwala; hindi ako natatakot. Ano ang magagawa sa akin ng hamak na tao?*+   Buong araw nila akong pinahihirapan;Wala na silang inisip kundi ang saktan ako.+   Nagtatago sila para sumalakay;Binabantayan nila ang bawat hakbang ko,+At gusto nila akong patayin.+   Itakwil mo sila dahil napakasama nila. Sa galit mo ay ibagsak mo ang mga bansa, O Diyos.+   Nakasubaybay ka sa aking pagpapagala-gala.+ Ipunin mo ang mga luha ko sa iyong sisidlang balat.+ Hindi ba nakasulat ang mga iyon sa aklat mo?+   Ang mga kaaway ko ay uurong sa araw na humingi ako ng tulong.+ Ito ang natitiyak ko: ang Diyos ay nasa panig ko.+ 10  Sa Diyos—na ang salita ay pinupuri ko—Kay Jehova—na ang salita ay pinupuri ko— 11  Sa Diyos ako nagtitiwala; hindi ako natatakot.+ Ano ang magagawa sa akin ng hamak na tao?+ 12  May mga panata ako sa iyo na dapat kong tuparin, O Diyos;+Maghahandog ako ng pasasalamat sa iyo.+ 13  Dahil iniligtas mo ako sa kamatayan+At hindi mo hinayaang matisod ang mga paa ko,+Para makalakad ako sa harap ng Diyos nang nasisinagan ng liwanag ng buhay.+

Talababa

Tingnan sa Glosari.
O “sinasakmal.”
O “sinasakmal.”
Lit., “laman.”

Study Notes

Media