Isaias 61:1-11

61  Ang espiritu ng Kataas-taasang* Panginoong Jehova ay sumasaakin,+Dahil inatasan* ako ni Jehova na maghayag ng mabuting balita sa maaamo.+ Isinugo niya ako para pagalingin ang mga may pusong nasasaktan,Para ihayag ang paglaya ng mga bihagAt ang pagmulat ng mga mata ng mga bilanggo.+   Para ihayag ang taon ng kabutihang-loob ni JehovaAt ang araw ng paghihiganti ng ating Diyos,+Para aliwin ang lahat ng nagdadalamhati,+   Para paglaanan ang mga nagdadalamhati dahil sa Sion,Para bigyan sila ng putong sa halip na abo,Ng langis ng kagalakan sa halip na pagdadalamhati,Ng damit ng kapurihan sa halip na pagkasira ng loob. At tatawagin silang malalaking puno ng katuwiran,Na itinanim ni Jehova para luwalhatiin* siya.+   Muli nilang itatayo ang sinaunang mga lunsod na gumuho;Muli nilang aayusin ang mga lugar na naging tiwangwang,+At ibabalik nila sa dati ang nawasak na mga lunsod,+Ang mga lugar na nanatiling tiwangwang sa paglipas ng mga henerasyon.+   “Darating ang mga tagaibang bayan at papastulan nila ang mga kawan ninyo,At ang mga dayuhan+ ay magiging mga magsasaka ninyo at tagapag-alaga ng ubasan.+   At kayo naman ay tatawaging mga saserdote ni Jehova;+Tatawagin nila kayong mga lingkod ng ating Diyos. Kakainin ninyo ang yaman ng mga bansa,+At ipagmamalaki ninyo ang kaluwalhatian* nila.   Sa halip na kahihiyan ay magkakaroon kayo ng dobleng bahagi,At sa halip na kadustaan ay hihiyaw sila sa kagalakan dahil sa mana nila. Oo, dobleng bahagi ng lupain ang mapapasakanila.+ Magsasaya sila magpakailanman.+   Dahil ako, si Jehova, ay umiibig sa katarungan;+Napopoot ako sa pagnanakaw at kasamaan.+ Tapat ako, at ibibigay ko sa kanila ang kabayaran nila,At makikipagtipan ako sa kanila ng isang walang-hanggang tipan.+   Ang mga supling* nila ay makikilala sa mga bansa,+At ang mga inapo nila, sa mga bayan. Ang lahat ng makakakita sa kanila ay makakakilala sa kanila,Na sila ang mga supling* na pinagpala ni Jehova.”+ 10  Lubos akong magsasaya dahil kay Jehova. Ang buo kong pagkatao ay magsasaya dahil sa aking Diyos.+ Dahil dinamtan niya ako ng kaligtasan;+Binihisan niya ako ng damit* ng katuwiran,Gaya ng lalaking ikakasal na may suot na putong na tulad ng sa saserdote,+At gaya ng babaeng ikakasal na may suot na mga palamuti. 11  Dahil kung paanong ang lupa ay nagpapasibolAt kung paanong ang hardin ay nagpapatubo ng mga itinatanim doon,Ang Kataas-taasang Panginoong JehovaAy magpapasibol ng katuwiran+ at kapurihan+ sa harap ng lahat ng bansa.

Talababa

Lit., “pinahiran.”
O “Soberanong.”
O “pagandahin.”
O “kayamanan.”
Lit., “Ang binhi.”
Lit., “ang binhi.”
O “damit na walang manggas.”

Study Notes

Media