Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kabisaduhin ang “mga Katangian na Bunga ng Espiritu”

Kabisaduhin ang “mga Katangian na Bunga ng Espiritu”

I-download:

  1. 1. ’Binigay ni Jehova sa ating lahat

    Ang banal na espiritu niya.

    At ang bunga nito ay tutulong sa ’ting

    Lumakas at maging masaya.

    (KORO)

    One: Pag-ibig sa Diyos at sa kapuwa

    Two: Laging may kagalakan

    Three: Kapayapaan na tunay

    Four: Dapat may pagtitiis

    Five: Mayroong kabaitan

    Six: Kabutihan sa lahat

    Seven: May pananampalataya

    Eight: Lubos na kahinahunan

    Pagpipigil sa sarili ang huli.

  2. 2. Banal na ’spiritu, lagi nating hingin

    Kay Jehova sa panalangin

    Para bunga nito ay tumulong sa ’yong

    Manatiling kaibigan ng Diyos.

    (KORO)

    One: Pag-ibig sa Diyos at sa kapuwa

    Two: Laging may kagalakan

    Three: Kapayapaan na tunay

    Four: Dapat may pagtitiis

    Five: Mayroong kabaitan

    Six: Kabutihan sa lahat

    Seven: May pananampalataya

    Eight: Lubos na kahinahunan

    Pagpipigil sa sarili ang huli.