Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 10

Purihin si Jehova na Ating Diyos!

Purihin si Jehova na Ating Diyos!

(Awit 145:12)

  1. 1. Ating Diyos ay papurihan!

    Ipakilala ngalan niya!

    Araw niya ay malapit na,

    Ihayag natin ang babala.

    Panganay ng Diyos ngayo’y Hari na,

    Itinakda ni Jehova.

    Ang pagpapalang ilalaan Niya

    Sa lahat ay ibalita!

    (KORO)

    Ating Diyos ay papurihan!

    Kadakilaan niya’y ihayag!

  2. 2. Ating Diyos ay papurihan!

    Tayo’y umawit sa kaniya!

    Magsaya, magpasalamat,

    Ihayag kal’walhatian niya.

    Kahit na dakila siyang Maylikha,

    Mapagpakumbaba pa rin.

    Kailangan nati’y nalalaman niya,

    Panalangin ay diringgin.

    (KORO)

    Ating Diyos ay papurihan!

    Kadakilaan niya’y ihayag!

(Tingnan din ang Awit 89:27; 105:1; Jer. 33:11.)