Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 48

Lumakad Kasama ni Jehova Araw-araw

Lumakad Kasama ni Jehova Araw-araw

(Mikas 6:8)

  1. 1. Lumakad kasama ng Diyos;

    Nakahawak sa kaniyang kamay.

    Tinanggap natin ang kaniyang

    Kabaitang walang kapantay.

    Dahil sa kaniyang pag-ibig,

    Tayo’y makalalapit;

    Buhay nati’y iaalay,

    Kay Jehova ay papanig.

  2. 2. Ang wakas nalalapit na,

    At ngayo’y galít si Satanas.

    Paghadlang at pag-uusig,

    Gamit niya nang tayo’y umatras.

    Pero nandiyan si Jehova,

    Hawak ang ating kamay.

    Tayo’y laging iingatan

    Upang tayo’y ’di mawalay.

  3. 3. Naglaan ang Diyos ng tulong,

    Salita at espiritu niya,

    Nar’yan din ang kongregasyon

    At pananalangin sa kaniya.

    Habang tayo’y lumalakad

    Kasama ni Jehova,

    Gagawin natin ang tama,

    Magiging tapat sa kaniya.

(Tingnan din ang Gen. 5:24; 6:9; 1 Hari 2:3, 4.)