Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 79

Turuan Mo Silang Maging Matatag

Turuan Mo Silang Maging Matatag

(Mateo 28:19, 20)

  1. 1. Kay sayang tupa ay turuan;

    Pagsulong ay nakita.

    May gabay ang Diyos sa kanila,

    At nanindigan sila.

    (KORO)

    Jehova, aming dalangin,

    Ang ’yong tupa’y kalingain.

    Sa ngalan ni Jesus, hiling:

    Lahat sila ay magpakatatag sana.

  2. 2. Sa harap ng mga pagsubok,

    Ipanalangin sila.

    Turuan, alalayan natin,

    Nang lalong tumibay pa.

    (KORO)

    Jehova, aming dalangin,

    Ang ’yong tupa’y kalingain.

    Sa ngalan ni Jesus, hiling:

    Lahat sila ay magpakatatag sana.

  3. 3. Sana ay laging magtiwala

    Sa ’ting Diyos at kay Kristo.

    Magsikap, maging masunurin

    Nang ang buhay matamo.

    (KORO)

    Jehova, aming dalangin,

    Ang ’yong tupa’y kalingain.

    Sa ngalan ni Jesus, hiling:

    Lahat sila ay magpakatatag sana.

(Tingnan din ang Luc. 6:48; Gawa 5:42; Fil. 4:1.)