Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 99

Ang Ating Buong Kapatiran

Ang Ating Buong Kapatiran

(Apocalipsis 7:9, 10)

  1. 1. Mayro’ng isang kapatiran,

    Kay gandang pagmasdan.

    Sa Diyos ay naglilingkod

    Nang may katapatan.

    Milyon-milyon ang bilang,

    At dumarami pa.

    Galing sa bawat bansa’t wika,

    Pumupuri kay Jah.

  2. 2. Ating buong kapatiran,

    Nangangaral ngayon

    Ng mabuting balita

    Sa lunsod at nayon.

    Minsan ay napapagod

    At nahihirapan.

    Pinagiginhawa ni Kristo

    Ang nabibigatan.

  3. 3. Mga lingkod ni Jehova,

    Kaniyang iingatan

    Habang naglilingkuran

    Sa kaniyang harapan.

    Ang ating kapatiran,

    Ang buong bayan niya,

    Kamanggagawa ni Jehova,

    Lingkod niya sa lupa.