Pumunta sa nilalaman

Pininsala ng malalakas na pag-ulan at pagbaha ang probinsiya ng KwaZulu-Natal sa South Africa

ABRIL 25, 2022
SOUTH AFRICA

Pininsala ng Malalakas na Ulan at mga Mudslide ang South Africa

Pininsala ng Malalakas na Ulan at mga Mudslide ang South Africa

Noong Abril 13, 2022, daan-daang tao ang namatay at maraming bahay at gusali ang nasira sa mga lugar sa probinsiya ng KwaZulu-Natal sa South Africa dahil sa malalakas na ulan. Sa ilang lugar, mga 300 milimetro ng ulan ang naitala sa loob ng 24 na oras. Nawalan ng kuryente at tubig ang maraming lugar. Maraming daan ang nasira.

Epekto sa mga Kapatid

  • Walang namatay sa ating mga kapatid

  • Bahagyang nasugatan ang anak na babae ng isang sister nang mabagsakan ito ng pader

  • Isang brother ang bahagyang nasugatan nang masira ang bahay niya

  • 27 bahay ang nagiba

  • 102 bahay ang nasira

  • 87 kapatid ang nagsilikas

  • 2 Kingdom Hall ang bahagyang nasira

Relief Work

  • Isang Disaster Relief Committee ang binuo para organisahin ang pagtulong

  • Naglaan ng praktikal na tulong ang mga elder at mga tagapangasiwa ng sirkito sa nangangailangang mga kapatid

  • Sinunod ng lahat ng tumulong ang COVID-19 safety guidelines

Nagtitiwala tayo na patuloy na tutulungan ni Jehova ang mahal nating mga kapatid na nagdurusa dahil sa sakunang ito habang hinihintay natin ang walang-hanggang mga pagpapala na ipinangako niya.—2 Corinto 4:18.