Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

ARALIN 45

Ano ang Ibig Sabihin ng Pagiging Neutral?

Ano ang Ibig Sabihin ng Pagiging Neutral?

Itinuro ni Jesus na “hindi [dapat maging] bahagi ng sanlibutan” ang mga tagasunod niya. (Juan 15:19) Kasama rito ang pagiging neutral. Ibig sabihin, wala silang papanigan sa politika at digmaan. Pero ang totoo, hindi laging madali na maging neutral. Baka pagtawanan pa nga tayo ng mga tao dahil dito. Paano tayo mananatiling neutral at magiging tapat sa Diyos na Jehova?

1. Ano ang pananaw ng mga tunay na Kristiyano sa gobyerno ng tao?

Iginagalang ng mga Kristiyano ang gobyerno. Sinusunod natin ang sinabi ni Jesus na “ibayad . . . kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar.” (Marcos 12:17) Ibig sabihin, sinusunod natin ang mga batas ng gobyerno gaya ng pagbabayad ng buwis. Sinasabi ng Bibliya na namumuno ang gobyerno ng tao kasi hinahayaan sila ni Jehova na gawin ito. (Roma 13:1) Kaya alam natin na relatibo o limitado lang ang awtoridad ng gobyerno ng tao. Nagtitiwala tayo na Kaharian lang ng Diyos ang makakapagbigay ng solusyon sa lahat ng problema ng tao.

2. Paano natin maipapakita na neutral tayo?

Gaya ni Jesus, hindi tayo nakikisali sa politika. Nang makita ng mga tao ang isa sa mga himala ni Jesus, gusto nila siyang gawing hari. Pero umalis siya. (Juan 6:15) Bakit? Sinabi niya ang dahilan: “Ang Kaharian ko ay hindi bahagi ng sanlibutang ito.” (Juan 18:36) Bilang mga alagad ni Jesus, maraming paraan para maipakita nating neutral tayo. Halimbawa, hindi tayo sumasali sa mga digmaan. (Basahin ang Mikas 4:3.) Iginagalang natin ang mga simbolo ng bansa, gaya ng bandila. Pero hindi natin ito pinaparangalan gaya ng pagpaparangal natin sa Diyos. (1 Juan 5:21) At wala tayong pinapanigan sa politika o sa mga kandidato nito. Kapag ginagawa natin ang mga bagay na gaya nito, ipinapakita nating tapat tayo sa Kaharian o gobyerno ng Diyos.

PAG-ARALAN

Pag-aralan ang mga sitwasyon na susubok sa iyong neutralidad, at tingnan kung paano ka makakagawa ng mga desisyon na magpapasaya kay Jehova.

3. Neutral ang mga tunay na Kristiyano

Nagpakita si Jesus at ang mga alagad niya ng halimbawa para sa atin. Basahin ang Roma 13:​1, 5-7 at 1 Pedro 2:​13, 14 at panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

  • Bakit dapat nating igalang ang mga nasa awtoridad?

  • Ano ang ilang paraan para maipakitang sinusunod natin sila?

Kapag may digmaan, sinasabi ng ilang bansa na neutral sila, pero pareho naman nilang sinusuportahan ang magkalabang panig. Ano ba talaga ang ibig sabihin ng pagiging neutral? Basahin ang Juan 17:16 at panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

  • Ano ang ibig sabihin ng pagiging neutral?

Paano kung may ipinapagawa ang gobyerno ng tao na labag sa batas ng Diyos? Basahin ang Gawa 5:​28, 29 at panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

  • Kapag magkasalungat ang batas ng tao at ang batas ng Diyos, alin ang susundin natin?

  • May naiisip ka bang sitwasyon kung kailan hindi dapat sundin ng isang Kristiyano ang batas ng tao?

4. Maging neutral sa isip at sa gawa

Basahin ang 1 Juan 5:​21 at panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

  • Bakit hindi sumali sa partido sa politika si Ayenge o sa seremonyang makabayan gaya ng pagsaludo sa bandila?

  • Sa tingin mo, tama kaya ang desisyon niya?

Ano pang mga sitwasyon ang puwedeng sumubok sa pagiging neutral natin? Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

  • Paano tayo mananatiling neutral kapag may international event para sa sports?

  • Paano tayo mananatiling neutral kapag apektado tayo ng mga desisyon ng isang politiko?

  • Paano nakakaapekto ang media o ang mga taong kasama natin sa ating neutralidad?

Sa anong mga sitwasyon dapat manatiling neutral ang isang Kristiyano sa isip at sa gawa?

KUNG MAY MAGTANONG: “Bakit hindi ka sumasaludo sa bandila o kumakanta ng pambansang awit?”

  • Ano ang isasagot mo?

SUMARYO

Kailangang magsikap ang isang Kristiyano para maging neutral sa politika sa isip, salita, at sa gawa.

Ano ang Natutuhan Mo?

  • Bakit dapat tayong sumunod sa gobyerno ng tao?

  • Bakit dapat tayong manatiling neutral sa politika?

  • Anong mga sitwasyon ang susubok sa pagiging neutral natin?

Subukan Ito

TINGNAN DIN

Anong mga bagay ang kailangan nating isakripisyo para maging neutral?

Hindi Tayo Bibiguin ni Jehova (3:​14)

Paano magiging handa ang mga pamilya sa mga sitwasyong susubok sa pagiging neutral nila?

Manatiling Neutral sa mga Public Event (4:​25)

Bakit hindi ang pagtatanggol sa bansa ang pinakamataas na karangalan na matatanggap ng isang tao?

“Ang Lahat ay Posible sa Diyos” (5:​19)

Alamin kung paano ka mananatiling hindi bahagi ng sanlibutan kapag nagdedesisyon tungkol sa trabaho.

“Ang Bawat Isa ay Magdadala ng Kaniyang Sariling Pasan” (Ang Bantayan, Marso 15, 2006)