Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 6

Ang Langit ay Lumuluwalhati sa Diyos

Ang Langit ay Lumuluwalhati sa Diyos

(Awit 19)

  1. 1. Ang langit ay sa Diyos lumul’walhati.

    Ating nakikita

    ang mga likha niya;

    Araw-araw ay pinupuri siya.

    Mga bituin nagtatanghal

    ng karunungan niya.

  2. 2. Batas ni Jah, laan nito ay buhay.

    Paalaala niya

    sa atin ay gabay.

    Tuntunin niya’y totoo at mat’wid,

    Ang salita niya’y kay tamis,

    tapat, at dalisay.

  3. 3. Walang hanggan ang takot kay Jehova.

    Higit pa sa ginto

    ang mga utos niya.

    Ang pangalan niya at karangalan,

    Lagi nating itatanghal,

    Magpakailan pa man.

(Tingnan din ang Awit 111:9; 145:5; Apoc. 4:11.)