Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 7

Jehova, Aming Lakas

Jehova, Aming Lakas

(Isaias 12:2)

  1. 1. O Diyos na Jehova, aming lakas;

    Ang tangi naming Tagapagligtas.

    Nangangaral kami bilang Saksi,

    Tao ma’y tumanggap o tumanggi.

    (KORO)

    Diyos na Jehova, aming kanlungan,

    Ihahayag ang ’yong pangalan.

    Dakila ka sa kapangyarihan,

    Laan mo ay lakas at sanggalang.

  2. 2. Liwanag ay iyong pinasikat.

    Katotohanan sa ’mi’y suminag.

    Ang Salita mo ay natutuhan;

    Maninindigan sa ’yong Kaharian.

    (KORO)

    Diyos na Jehova, aming kanlungan,

    Ihahayag ang ’yong pangalan.

    Dakila ka sa kapangyarihan,

    Laan mo ay lakas at sanggalang.

  3. 3. Kagalakang gawin ang nais mo,

    Sumalansang man sa ’min ang Diyablo.

    Buhay ma’y mapaslang, tulungan mo,

    Manghawakan sa Soberanya mo.

    (KORO)

    Diyos na Jehova, aming kanlungan,

    Ihahayag ang ’yong pangalan.

    Dakila ka sa kapangyarihan,

    Laan mo ay lakas at sanggalang.